Iflinex ng komedyanang si Kakai Bautista sa kaniyang social media post ang isang taon nang pinag-iisipang bilhin na alahas habang ibinahagi niya ang prinsipyo niya ng pagiging wais sa kaniyang paggasta.

Isang gintong bubble ring ang suot ng singer sa larawang ibininahagi sa Facebook ngayong Miyerkules, Peb. 22.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Alam nyo ba na 1 taon kong pinag-isipan na bilhin to. Palagi ko lang syang tinitingnan kung saan saang jewelry shop sa IG,😆” pagsisimula ni Kakai.

“Kaya ko naman talagang bilhin kung sa kaya. Kaso iniisip ko paulit-ulit ano ba ang mas importante at kailangan ko kesa dito sa bubble ring na ito, 🙏🏻” dagdag nito.

Kaya naman matapos mabuno ang mga bayarin liban pa sa mga responsibilidad sa bills, nabili na sa wakas ng TV personality ang naturang alahas kamakailan.

“MASAYA ako kase Finally nabili ko nadin sya nang hindi ko kailangan mangutang ng pambayad ng bills, panghanda sa okasyon, pambili ng luho,” aniya pa.

Pagpupunto niya, “needs muna bago wants” sabay hirit na isa itong paraan para maabot ang "financial freedom."

“Simulan nyo na ng maaga kase napakaganda ng resulta, ❤️🍓” wais na pagtatapos at paghihikayat ni Kakai sa kaniyang followers.