Sa pinakahuling vlog ng online star, muling pinasalamatan ni Mimiyuuuh ang kaniyang milyun-milyong subscribers sa patuloy na suportang natatanggap na aniya’y dahilan ng kaniyang natatamasang blessings sa buhay.

Bilang paraan din ng pasasalamat, muling ibinahagi ng YouTube star ang nagaganap na renobasyon sa naipundar na property.

“On-going na po ‘yung construction. I’m super happy kasi kung napansin niyo po sa mga vlogs ko recently, marami na pong nagbago dito sa house namin,” bungad ni Mimiyuuuh sa kaniyang latest vlog.

Basahin: Mimiyuuuh, inaming na-fall kay Benedict Cua; comeback vlog ng viral duo, kinakiligan muli ng netizens! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

R' Bonney Gabriel, nagbalandra ng tahong sa NYFW

Dagdag niya, plano niya talagang lalo pang pagandahin ang kaniyang bahay lalo pa’t unang bahay ito na kaniyang naipundar.

“Sobra-sobrang mahal ko ‘tong bahay na ‘to. This house really felt home to me and it’s my first-ever house kaya sobra ko pong gustong pinapaganda siya,” ani Mimiyuuuh.

Sa mahigit 16 minutong vlog, may isang quick tour ang online star para sa kaniyang subscribers sa nagaganap na construction ng kaniyang bahay base na rin sa rendered design nito.

Sa isang Instagram post, Martes, Peb. 21, bumuhos naman ang pagbati kay Mimiyuuuh mula sa ilang stars dahil sa patuloy niyang success.

Kabilang sa nagpaabot ng pagbati at proud sa online personality si Yassi Pressman, Eian Rances, kapwa online content creator na si Albert Nicolas, Shaira Luna, Camille Co, ang designer na si Mark Bumgarner, bukod sa maraming iba pa.

Basahin: Mimiyuuh, bumili ng bonggang beach house! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman lingid sa marami ang hilig ni Mimiyuuuh na magpundar ng ilang investment.

Noong 2021, matatandang isang beach house din ang nabili ng online star para sa kaniyang pamilya.