Nagpasalamat si Atty. Luke Espiritu sa direktor na si Vince Tañada dahil sa pag-imbita sa kaniya nito sa premiere night ng "Ako Si Ninoy" noong Sabado.

Idinaan ni Espiritu ang kaniyang pasasalamat sa isang tweet nitong Miyerkules, Pebrero 22, kalakip ang apat na larawan sa naganap na premiere night.

Ani Espiritu, "Noong Sabado, naimbitahan ang ating team sa premier night ng Ako Si Ninoy. Nawa'y payabungin pa lalo ang progresibong sining upang magapi ang kasinungalingan ng mga mandarambong."

"Maraming salamat kay Direk Vince Tañada at sa Project Gunita sa pag-imbita," dagdag pa niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

https://twitter.com/LukeEspirituPH/status/1628308832672964609

Bukod kay Espiritu, mixed emotions din si dating Senador Bam Aquino matapos mapanood ang naturang pelikula sa naganap na premiere night.

“Mixed emotions noong dumalo kami sa premier ng #AkoSiNinoy last weekend. Na-highlight ng movie yung mga bagay na pinapahalagahan nating lahat – pagmamahal sa pamilya, kapwa, bayan, at Diyos. Mahusay! Congrats sa lahat ng bumubuo ng movie na ito! #TheresAHeroInAllOfUs,” ani Aquino.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/21/bam-aquino-mixed-emotions-sa-premiere-night-ng-ako-si-ninoy/

Noong Enero, sinabi ng direktor at writer ng pelikula na si Atty. Vince Tañada na ang kaniyang pinakabagong pelikulang “Ako si Ninoy” ay maglalantad ng katotohanan at “pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan."

Ayon sa Facebook post ni Atty. Vince bago ilabas ang opisyal na trailer at poster ng pelikula, “KAILANGAN NATIN NG BAYANI, ‘yung totoo, ‘yung hindi gawa-gawa, ‘yung hindi pinorma para mabago ang imahe ng pamilya, ‘yung bunga ng masusing research ng mga akademiko’t iskolastiko, ‘yung pinag-aralan ng mga historians, ‘yung subok ng bawat Pilipino noon at ngayon!”

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/23/atty-vince-tanada-sa-ako-si-ninoy-pelikulang-tatapos-sa-lahat-ng-kasinungalingan/