Kabutihan ng puso ang isa raw sa mga tinitingnan ng TV host at actress na si Karla Estrada kung bakit niya kaibigan ang isang tao.
Sa Facebook post ni Darryl Yap kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mensahe para sa mga artista ng pelikulang ‘Martyr or Murderer,' nagkomento ang aktres.
"Pag tinatanong ako kung Baket kaibigan ko ang isang tao , MINSAN GUSTO KO SAGUTIN ng , kung ikaw nga kaibigan ko eh………… pero sa seryosohan ang lagi kong sagot palagi ay ito. ang kabutihan ng puso ang tinitingnan ko , hindi ang panlabas na anyo o anong estado ng tao," komento ni Karla.
Kaya raw niya naging kaibigan si Darryl dahil nakita niya ang puso nito bilang anak, kapatid, at katrabaho.
"Kaya kung Baket kaibigan ang turing ko kay Direk Daryl Yap, yun ay nakita ko ang puso nya bilang anak, kapatid at katrabaho. Namahal ko sya," aniya pa.
Sa dulong bahagi ng kaniyang komento, nag-iwan siya ng mensahe sa kaniyang kapwa aktor.
"At sa aking mga kaibigang mga artista sa MOM , mabuhay kayo!Alam ko kung gaano kahirap ang propesyon na ito, pero laging handa tayo sa ano mang karakter na dapat gampanan at laging may kasamang tapang at lakas ng loob para harapin ang pinaniniwalaan," aniya.
Nagreply naman si Darryl sa kaniyang komento, "miss u! love u!"
Matatandaang naging bahagi rin si Karla ng isa sa pelikula ni Darryl na "Maid in Malacañang" bilang si Yaya Santa.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/06/13/karla-estrada-elizabeth-oropesa-beverly-salviejo-may-ganap-din-sa-maid-in-malacanang/