Binuwag na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang One-Stop-Shop Inter-Agency Tax Credit and Duty Drawback Center (OSS Center) ng Department of Finance bilang bahagi ng rightsizing policy o pagbabawas ng mga empleyado ng gobyerno.

Ang hakbang ng Pangulo ay nakapaloob sa Administrative Order (AO) No. 4 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Pebrero 20, 2023. Inilabas ang kautusan nito lamang Miyerkules, Pebrero 22.

Binanggit na ililipat na sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tungkuling pagpapalabas ng tax clearance certificate ng OSS Center.

“All other assets and liabilities of the OSS Center shall be transferred to the Department of Finance (DOF) in accordance with pertinent auditing laws, rules and regulations except all cash separately held in trust or otherwise by the OSS Center, which shall be directly remitted to the National Treasury,” ayon sa AO No. 4.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Isinagawa ang pag-abolish ng OSS Center batay na rin sa rekomendasyon ni DOF Secretary Benjamin Diokno.

Dalawa ang naging dahilan ni Diokno para buwagin ang OSS Center.

“First, some OSS Center officials and employees have been found to have committed a series of several tax credit scams involving billions of pesos over the years,” aniya.

“Second, its abolition and transfer of functions under the BIR and the BOC are in line with the Marcos Jr. administration’s push to right size government. This will streamline revenue operations and reduce administrative expenses,” dagdag pa ni Diokno.