Itinuwid na ng isang online page ang maling balita ukol sa umanong pelikula ni Catriona Gray sa GMA Films.

Matatandaan ang pagsita na ni Miss Universe titleholder sa Facebook page na “Pinoy History” kamakailan matapos maglabas ng walang basehang balita ukol sa nabanggit na upcoming project na guni-guni lang pala.

Basahin: Catriona Gray, pumalag sa post ng isang ‘fake news peddler’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dito, natawag ding Mrs. Milby ang beauty queen bagay na pinalagan na ni Catriona.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“An apology to Miss Catriona Elisa Ragas Will Magnayon Gray (Soon Mrs.Milby),” paghingi na ng tawad ng naturang page kamakailan.

Binasag na rin nito ang balitang bibida siya sa proyektong pinangalanang “What If Jose Rizal Did Not Die.”

Bilang resolusyon ng pamunuan ng page, suspendido ang showbiz department nito sa pagbabahagi ng content.

“We held a meeting for the Pinoy History Showbusiness Department, we sincerely apologize to Catriona Gray. Suzette Doctolero and GMA Films for the wrong information we had in the last post about Ms. Gray,” anang page.

Pagsiguro nila, titiyakin na nilang naberika at may katotohanan ang mga ilalabas na balita.

“Thank you for understanding,” anila.

Sari-saring reaksyon naman ang nakuha ng page matapos ang paghingi ng tawad sa pagkakamali.

Ilang netizens ang nagpuntong “clout chaser” lang umano ang naturang page habang ang iba’y kinilala naman ang pag-ako ng page sa naging pagkakamali nito.

Nasa 1.2 million ang kasalukuyang followers ng naturang page sa pag-uulat.