Bakit pa raw mag-iisip si Darryl Yap ng kaniyang isasagot sa mga taong ayaw siyang makatrabaho kung yung mga kasama niya raw sa pelikulang 'Martyr or Murderer' ay hindi katrabaho ang tingin sa kaniya kundi isang kaibigan.

"Bakit ako mag-iisip ng isasagot sa mga deklarasyon ng ibang ayaw ako makatrabaho? Gayong yung mga kasama ko sa pagbuo ng pelikulang ito ay hindi naman katrabaho ang tingin sa akin, kundi kaibigan," saad ni Yap nitong Martes, Pebrero 21.

Ikinuwento rin ni Yap na nabuo ang MoM ay dahil sa pagmamahal din niya sa kaniyang kaibigan si Senador Imee Marcos. Hindi raw ito ginawa para manira, may kalabanin o gamitin ang sinuman.

"Ang #MARTYRorMURDERER ay nabuo, dahil din sa pagmamahal ko pa sa isang kaibigan, kay Senator Imee R. Marcos; hindi ito ginawa para manira, may kalabanin o para pakinabangan at gamitin ang kahit na sino," anang direktor.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Ginawa namin ang pelikula dahil naniniwala kami sa pagkakataon, sa tyansa at kapalaran— may dahilan kung bakit sila umoo sa proyektong ito, maaaring iba-iba o pareho-pareho kami, pero sigurado ako, bago namin natapos ang shooting at bago namin mapanood ito sa premier night, yayakapin nila ako ulit at pipigilan ko silang magpasalamat, dahil ako ang pinakabaguhan sa aming lahat— pero ni minsan, hindi ko naramdaman na meron akong dapat patunayan, ako lang dapat ang magpasalamat," dagdag pa niya.

"Ayaw man silang tawaging ARTISTA NG BAYAN, ng mga sumisino sa kanilang kakayahan, para sa akin, higit pa sa bayan ang abot ng kanilang husay at kabutihan.

"Salamat sa pagtanggap sa inyong roles at sa akin, Salamat dahil gusto ninyo akong maging direktor, at higit sa lahat, maging kaibigan. Aking mga ARTISTANG PANGKALAWAKAN," tila emosyonal na pahayag pa ni Yap.

Kamakailan, diretsang pagtanggi ang sagot ni actor-singer Juan Karlos Labajo nang matanong kung bet ba nitong makatrabaho sa hinaharap ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

“No, I definitely don't want to be directed by Darryl Yap. I don’t want to work with him,” walang pag-aatubiling sagot ni JK nang matanong ng press sa premiere night ng “Ako Si Ninoy."

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/20/jk-labajo-no-no-na-madirek-ni-darryl-yap-in-the-future-direktor-may-balik-na-banat/

Samantala, mapapanood ang Martyr or Murderer sa Marso 1.