Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol nitong Lunes ng gabi, Pebrero 20, ang timog bahagi ng probinsya ng Hatay, Turkey at hilaga ng Syria.

Ito ay matapos lamang ang nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa magkapit-bahay na bansa noong Pebrero 6 na kumitil na ng buhay ng mahigit 46,000 indibidwal.

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol nitong Lunes ng gabi, Pebrero 20, ang timog na bahagi ng probinsya ng Hatay, Turkey at hilaga ng Syria.

Ito ay matapos lamang ang nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa magkapit-bahay na bansa noong Pebrero 6 na pumatay na ng mahigit 46,000 indibidwal.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

BASAHIN: Pinay, 3 anak na nawawala sa Turkey quake, natagpuang patay

Sa ulat ng Agence France Presse, nangyari umano ang magnitude 6.4 na lindol na higit na naramdaman sa Antakya city at Adana province sa Turkey dakong 8:04 ng gabi.

Ayon sa Turkish Interior Minister Suleyman Soylu, tatlong indibidwal ang nasawi habang 213 ang dinala sa ospital sa Turkey.

Sa Syria naman, tinatayang mahigit 130 indibidwal umano ang nasugatan at mayroon ding mga gumuhong gusali, ayon sa Syria White Helmets.

Sa pahayag ng disaster management agency sa Turkey, isang magnitude 5.8 na lindol naman ang yumanig tatlong minuto pagkatapos ng nasabing magnitude 6.4 na lindol. Namataan naman umano ang epicenter nito sa distrito ng Samandag sa Hatay, Turkey.

Nakapag-ulat din daw ang nasabing ahensya ng dalawa pang pagyanig ng magnitude 5.2 mga 20 minuto matapos ang unang lindol nitong Lunes.

Naghahanap na raw muli ang rescuers ng mga taong maaaring naipit sa mga gumuhong gusali.

Inulat din ng AFP na naramdaman din ang nasabing bagong lindol sa bansang Lebanon.