Humingi ng suporta si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa mga Pilipino nitong Martes, Pebrero 21, matapos maging nominado ng Pilipinas at dalawang tourist attractions nito na Intramuros at Cebu sa Asia category ng 30th World Travel Awards (WTA).

Sa pahayag ni Frasco, ibinahagi niya na dinidepensahan ngayon ng Pilipinas ang titulo nito bilang Asia’s leading beach destination at Asia’s leading dive destination.

Target ding madepensahan ng historic walled city na Intramuros ang titulo nito bilang Asia’s leading tourist attraction.

“We are extremely elated upon receiving the news on these nominations at the landmark 30th anniversary of the World Travel Awards (WTA),” ani Frasco.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“These recurring nominations clearly manifest the growing global travel demand into the Philippines, one that we aim to sustain in the coming days through the initiatives we have laid out for the tourism industry’s recovery and transformation post-pandemic,” dagdag niya.

Samantala, may bagong nominasyon din ang Pilipinas sa WTA ngayong taon.

Nominado ang Cebu bilang Asia’s leading wedding destination, habang kasama rin sa nominasyon ng Asia’s leading tourist board ang Department of Tourism.

Opisyal na nagsimula ang nasabing nominasyon nitong Lunes, Pebrero 20, at magsasara sa darating Marso 19. Kaya naman hinikayat ni Frasco ang publiko na sumuporta sa bansa.

“I invite our fellow Filipinos and our foreign friends to show some love for the Philippines by casting your vote at https://www.worldtravelawards.com/vote,” ani Frasco.

“Let’s help push the momentum for the tourism transformation of the Philippines!”