“May shanghai ba diyarn?”

Present ang laging hinahanap ng mga Pinoy sa handaan na “lumpiang shanghai” sa listahan ng 50 best rated street foods sa buong mundo.

Sa Facebook post at website ng Taste Atlas, isang kilalang online food guide, nasa pang-45 na pwesto ang lumpiang shanghai matapos umanong nitong magkakuha ng rating na 4.6.

Ayon sa Taste Atlas, ang lumpiang shanghai ang pinakasikat sa lahat ng klase ng lumpia.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“[It’s] the crispy deep-fried Filipino snack that evolved from Chinese spring rolls,” anito.

“Even though lumpia appears in numerous variations, the Shanghai version is characterized by a savory filling which combines ground pork or beef with carrots, onions, various seasonings, and (occasionally) shrimps.”

Madalas umanong tinitinda ang lumpiang shanghai sa marami street stalls sa bansa, ngunit inihahain din sa mga espesyal na okasyon.

“This delicious and crispy snack is usually served accompanied by sweet and sour dipping sauce,” anang Taste Atlas.

Kamakailan ay napabilang naman ang pagkaing Pinoy na turon at maruya sa 50 best rated deep-fried desserts’ sa buong mundo.

BASAHIN: Turon, Maruya, kasama sa ‘50 Best Deep-Fried Desserts in the World’