"Why so gwapo, mayor?"

Tila agaw-pansin ang kagwapuhan ni Lucena City Mayor Mark Alcala dahil viral ngayon sa social media lalo na sa TikTok ang mga video na nagpapakita ng kaniyang kakwelahan bilang isang alkalde. 

Photo courtesy: Mark Alcala (markalcala10/Instagram)

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa TikTok account na Mark Alcala (markalcala_), hindi malinaw kung ito ang kaniyang opisyal na account, mapapanood ang compilation ng videos niya na nagpapakita ng kaniyang kakwelahan kung paano siya makitungo sa kaniyang nasasakupan.

Sa bawat video na naka-upload, nakakakuha ng papuri ang "poging mayor" mula sa mga netizens. Ang iba nga ay napapa-sana all dahil mayroong poging mayor ang Lucena City.   

Ngunit sino nga ba ang poging mayor na ito?

Si Mark Don Victor Benitez Alcala o mas kilala bilang "Kuya Mark" ang kasalukuyang mayor ng Lucena City siya ang pumalit sa kaniyang ama na si Roderick Alcala, na ngayo'y vice mayor naman ng lungsod.

Photo courtesy: Mark Alcala (markalcala10/Instagram)

Opisyal na nahalal ang 26-anyos na alkalde noong Mayo 10, 2022. Siya rin ang tinaguriang "youngest mayor" ng Lucena. 

Photo courtesy: Mark Alcala (markalcala10/Instagram)

Si Kuya Mark ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Mayroon siyang dalawang kapatid na babae na sina Graciel at Donna Marie.

Photo courtesy: Mark Alcala (markalcala10/Instagram)

 Nakapagtapos ng kursong Business Management sa De La Salle University, kung saan natupad niya ang pagnanais na maging isang basketball player dahil naging varsity player siya ng unibersidad. 

Bago sumabak sa politika, nagsilbi siyang Youth Ambassador ng Local Youth Development Council at nagtrabaho bilang executive assistant for support services sa ilalim ng mayor's office.