Plano ng Commission on Elections (Comelec) na maitaas ng hanggang ₱10,000 ang honorarium ng mga poll workers.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maaaring magsimulang maitaas ang bayad ng mga poll workers ngayong 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ipinaliwanag ni Garcia na isa sa mga dahilan ng posibleng pay increase ay ang pagliit na lamang ng naiuuwing halaga ng mga poll workers, dahil pinapatawan pa aniya ito ng tax.

Mas marami rin aniyang trabaho ang mga guro sa darating na halalan dahil manu-mano lamang ito.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Ang Comelec po ay gagawa ng paraan na sa halip na ₱6,000, ₱5,000, ₱4,000—₱6,000 sa chairman, ₱5,000 sa members at ₱4,000 sa nagtratrabaho sa presinto—gagawin po ng Comelec ang lahat upang maging ₱10,000, ₱9,000, ₱8,000 ang kanilang po matatanggap sa araw ng halalan dahil nga po ito ay manual na,”ayon kay Garcia, sa panayam sa radyo at telebisyon.

"Ipaglalaban po namin ito," aniya pa.

Ang 2023 BSKE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30.