Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na bubuksan na nilang muli ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa unang linggo ng Hulyo.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, plano nilang gawing mas maaga ang paghahain ng COC upang maresolba agad ang mga ihahaing disqualification at nuisance cases laban sa mga kandidato.

“Ang plano namin mas maaga. First week ng July plano po natin magpa-file na ng candidacy upang ma-resolve na agad namin 'yung mga disqualification cases at nuisance cases na minsan ay pagkadami-dami,” ayon pa kay Garcia, sa panayam sa radyo at telebisyon. 

Pinaalalahanan naman ni Garcia ang publiko na para sa SK positions, hindi tatanggap ang komisyon ng ang edad ay lampas sa 24-anyos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Para naman sa regular na kandidato, hindi tatanggapin ang hindi rehistradong botante.

Ang BSKE ngayong taon ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30.