Hindi makapaniwala ang judges ng brand new season ng American Idol na sina Katy Perry, Lionel Richie at Luke Bryan sa Pinoy-Canadian na si Tyson Venegas na dati na pa lang nagpamalas ng galing sa The Voice Teens Philippines.

Basahin: Fil-Canadian, 17, nag-uwi ng platinum ticket sa American Idol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

&t=20s

Instant viral at online star ngayon ang 17-anyos lang na binatilyo na minani lang ang piyesang “New York State of Mind” ni Billy Joel dahilan nga na makuha niya ang kauna-unahang platinum ticket sa Las Vegas para sa naturang audition sa kompetisyon.

Babalikan noong 2020 nang sumabak sa The Voice Teens edition si Tyson kung saan napaikot ng tinaguurian ngayong "singing prodigy" ang mga judges na sina Lea Salonga, Apl. De. Ap, at Sarah Geronimo sa 1964 hit ni Sam Cooke na “A Change Is Gonna Come.”

Una ring napakinggan sa parehong kompetisyon ang classic na “New York State of Mind” na buong-husay na niyang inawit noon.

Pagbabahagi ni Tyson, kabilang sa kaniyang mga inspirasyon sa pagkanta ang American singer-songwriter na si Stevie Wonder kaya’t hindi kataka-taka ang tila old soul na istilo nito sa murang edad pa lang.

Habang nagpapatuloy naman noon ang kompetisyon, sa hindi malinaw na dahilan ay hindi na umusad si Tyson sa naturang programa matapos maipanalo na ang Battle Rounds.

Samantala, ngayon pa lang, ilang Pinoy audience, at maging ilang tagasubaybay ng American Idol sa buong mundo ang excited na para sa bagong journey ni Tyson sa kompetisyon.

Good luck, Tyson!