Viral ngayon ang Facebook post ng isang dayuhan mula sa Amerika na naghahanap ng jojowaing Pilipina kapag siya ay pumasyal na rito sa bansa.

Tila "nanabik" naman ang mga netizen na naghahanap at tumatarget ng jowang afam sa panawagan ng nagngangalang "Udoh Maxwell" sa Facebook page na "BWT Komunidad."

"Hello from USA I'm looking for Someone with beautiful heart, i hope that i can find my Soulmate in this group.. NEXT WEEK COMING TO PHILIPPINES," saad sa caption.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Udoh Maxwell (Screengrab mula sa BWT Komunidad)

Agad naman itong dinumog ng mga netizen sa comment section at pinagshe-share na rin.

"Suddenly I wanna go to USA."

"Baka ito na ang sagot sa kahirapan mga dzhai hahaha."

"Itayo ang karangalan ng Pilipinas hahaha."

"Itabi n'yo na, ako na 'to hahaha."

"Ay grabe, ang hottie niyaaaaaahhh mga accla, tara na!"

Maging ang dating Kapuso actress at ngayon ay napapanood bilang Kapamilya na si Jennica Garcia na gumaganap bilang Lala sa pinag-uusapang teleseryeng "Dirty Linen" ay napa-react din sa naturang viral post.

"Si Lala na 'to. Ipupusta ko si Alexa, kahit isama niyo pa si Tatay Abe… Kay Lala na ito. #LabanPinay," sey ni Jennica. Si "Lala" ay karakter niya sa DL.

https://twitter.com/planetjennica/status/1627292294033604610

Samantala, may mga nagsasabi namang "bogus" o peke lamang ang naturang account dahil nahalungkat ng mga netizen ang tunay na pangalan at social media account ng naturang afam.

Pinag-iingat naman ang publiko na huwag basta-basta magtitiwala sa mga ganitong posts dahil marami na ang naloloko ng tinatawag na "love scams."