Natimbog ang isang 32-anyos na lalaki matapos masamsaman ng package na naglalaman ng ₱3.7 milyong halaga ng kush (high-grade marijuana) mula Canada, sa ikinasang controlled delivery operation sa Sulu Street, Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone nitong Lunes.

Kaagad na pinosasan ang consignee na si Federico Cesar Flores-Luna, alyas Nestor Bustamante, 32, taga-Opal BLDG Crown Peak Gardens, Subic Bay Freeport Zone, matapos tanggapin ang kahon naglalaman ng illegal drugs.

Dumating sa Port of Clark ang package mula Canada nitong Pebrero 19.

Paliwanag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Zambales, nabisto nila ang droga batay na rin sa impormasyon mula sa kanilang foreign counterparts.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasa 2,336 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang laman ng nasabing kahon at ito ay nagkakahalaga ng ₱3,,737,600.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 laban kay Flores-Luna.