Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Quezon nitong Lunes ng umaga, Pebrero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 11:09 ng umaga.
Namataan ang epicenter ng lindol 76 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Jomalig, Quezon, na may lalim na 2 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Quezon City.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV - Polillo, Quezon
Intensity II - Dingalan and Baler, Aurora;
Intensity I - Malolos City at Plaridel, Bulacan; Mercedes, Camarines Norte; Gapan City, Gabaldon, Nueva Ecija; Infanta, Alabat, at Guinayangan, Quezon
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks nito.
Wala rin umanong inaasahang magiging pinsala ang nasabing pagyanig.