Nasamsam ng Quezon City Police District (QCPD) ang mahigit P300,000 halaga ng umano’y shabu at marijuana sa anim na magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod noong Biyernes, Pebrero 17, at Sabado, Pebrero 18.

Ang anti-illegal drug operations ay inilunsad ng mga miyembro ng iba't ibang istasyon ng QCPD na nakahuli rin ng 12 drug peddler.

Inaresto ng QCPD Novaliches Station (PS 4), sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR), si Alvin Reyes, 21, ng Barangay Gulod, Novaliches matapos nitong makuha ang humigit-kumulang dalawang kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P240,000. Sabado.

Ang buy-bust operation laban kay Reyes ay inilunsad naman ng mga operatiba ng PS 4 sa San Ignacio St., Villareal, sa Brgy. Gulod bandang alas-2 ng madaling araw ng Sabado rin.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nakumpiska rin ng mga pulis ang isang eco bag, isang cellular phone, at ang buy-bust money mula kay Reyes.

Samantala, narekober din ng mga police station sa Anonas, Project 4, Kamuning, Holy Spirit at Project 6 ang P73,440 halaga ng umano’y shabu at nakuwelyuhan ang 11 suspek noong Biyernes at Sabado.

Lahat ng mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sabi ng pulisya.

“Binabalaan ko kayo na mga nagtutulak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na kayo ay aming tutugisin dahil ang Team QCPD ay hindi papayag na sirain ninyo ang buhay lalo na sa ating mga kabataan dito sa Lungsod Quezon,” ani QCPD Director Brig. Gen. Nicolas Torre III.

Aaron Homer Dioquino