Napasakamay na rin ng mga otoridad ang isang mangingisda, na akusado sa kasong rape at may 10-taon nang nagtatago, matapos na maaresto sa isinagawang operasyon sa Maynila nitong Lunes.

Kinilala ni PMajor Edward Samonte, hepe ng Manila Police District- Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT, ang naarestong suspek na si Giovani Calabroso, 38, at residente ng Barangay Asuncion, Maasin, Southern Leyte.

Sa ulat ng SMaRT, nabatid na dakong alas-8:00 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Victoria corner P. Burgos Sts., sa Intramuros.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nakatanggap umano ng tip ang mga otoridad sa kinaroroonan ng suspek kaya't nagkasa ng operasyon.

Nang mamataan sa naturang lugar ay kaagad na inaresto si Calabroso sa bisa ng nakabinbing warrant of arrest sa kasong rape, na inisyu ni Hon. Roberto Quiroz, Judge ng Manila  =Regional Trial Court (RTC) Branch 29.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Calabroso.

Nabatid na ang suspek ay kabilang sa listahan ng most wanted person ng pulisya.