Diretsang pagtanggi ang sagot ni actor-singer Juan Karlos Labajo nang matanong kung bet ba nitong makatrabaho sa hinaharap ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.
“No, I definitely don’t want to be directed by Darryl Yap. I don’t want to work with him,” walang pag-aatubiling sagot ni JK nang matanong ng press sa premiere night ng “Ako Si Ninoy” sa Rockwell Cinema kamakailan.
Aniya, pa hindi ito personal na pasya lang. So, dahil pa rin sa politika?
Noong May 2022 elections, matatandaang isa sa mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo si JK na naging aktibo pa sa kampanya ng noo’y presidential candidate habang si Darryl naman ay naging malaking bahagi sa kampanya ng ngayo’y Pangulong Bongbong Marcos.
Paniniwala naman ng yong actor, may namumuo aniyang “film war” ngayon kasunod ng ilang serye ng mga pelikulang may politikal na motibasyon.
“We all have the freedom when it comes to making art but I am not really sure if I have a positive opinion when it comes to changing history,” sey ni JK.
“That’s definitely something else,” dagdag ng “Buwan” singer sa parehong paksa ukol sa pagbabago ng kasaysayan aniya.
“But at the end of the day, we’re just making a film, following what’s on the books of what we learned in school,” dagdag niya.
Nitong Lunes, Peb. 20, nag-react na ang “Martyr or Murdurer” direktor na si Darryl kasunod ng pahayag ni JK.
Pagpupunto ng kontrobersyal na filmmaker, “kahit wala pa akong napapatunayan sa industry, never pa ako nakarinig na direktor ang nag-aaudition sa artista—kaya hindi ako ang maghahanap ng katrabaho kung sakali.”
“Nauuna ang alok bago ang tanggi,” dagdag na hirit ng direktor na bagaman ay walang pinangalanan sa naturang Facebook post ay malinaw na patutsada para kay JK.
Umabot na sa mahigit 13,000 reactions ang naturang post na umani ng sari-saring reaksyon sa pag-uulat.
Naungkat pa maging ang hiwalayan ng young actor sa beauty queen na si Maureen Wroblewitz.
Sa ngayon, wala pang buwelta si JK sa naging sagot ng direktor sa kaniyang pahayag.