QUEZON, Quezon -- Lumubog ang isang cargo boat na puno ng mga walang laman na tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos hampasin ng malalakas na alon dulot ng masamang panahon sa Lamon Bay sa Barangay Cagbalugo dito, nitong Lunes ng umaga, Pebrero 20.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office (QPPO)-Public Information Office (PIO) na ang lumubog na M/V Rome Rhona, na pagmamay-ari ng businesswoman na si Edna Araza Panol, ay umalis sa port dakong alas-8 ng umaga at ito ay hinampas ng malalaking alon nang makarating sa karagatan ng Barangay Cagbalugo akong 9:30 ng umaga.

Nailigtas naman ng Quick Reaction Team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at pulisya ang kapitan ng barko na si Bembo Panol at tatlong crew nito.

Nagtamo ng pinsala ang bangka sa katawan nito at hinila sa baybayin ng Barangay Roma, Lopez, Quezon. Nagkalat ang mga kargamento nito sa dagat at kasalukuyang hinahanap.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito