Nasa kabuuang 416 preso o persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya nitong Lunes mula sa iba't ibang kulungan at penal farm ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa naturang bilang, 205 ang nakalaya mula sa New Bilibid Prison (NBP), 76 mula sa Davao Prison and Penal Farm, at 42 mula sa Correctional Institution for Women.

Kabilang na sa mga ito ang 78 na naabsuwelto, siyam ang nabigyan ng probation, 81 naman ang parolado, habang ang natitira ay naisilbi na ang kanilang pinakamataas na sentensiya.

Ang nasabing culminating program ay dinaluhan nina BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong Enero, nasa 340 ding preso ang pinalaya ng BuCor.