Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Pampanga kamakailan.

Si alyas 'Tito" na kasapi ng Underground Mass Organization (UGMO) na konektado sa National Democratic Front (NDF) ay nagbalik-loob sa Police Regional Office 3 headquarters sa Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga kung saan isinuko rin nito ang isang homemade shotgun at dalawang rifle grenade.

Ang isa namang kaanib ng Yunit Paniktik of Komiteng Larangan Gerilya Tarlac-Zambales (KLG TAR-ZAM) na kinilalang si alyas "Tibbery" ay sumurender sa mga pulis at sundalo sa Pampanga.

Isinuko rin nito ang isang granada, isang Cal. 38 revolver at limang bala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nangako naman ang mga awtoridad na bibigyan ng financial assistance ng gobyerno ang dalawang dating rebelde para sa kanilang pagbabagong-buhay.