Naiyak sa tuwa at halos 'di makapaniwala ang pop singer-songwriter na si Adie nang bigyang bagong tunog ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kaniyang 2021 hit song na “Paraluman” sa pagbubukas nito ng Valentine concert kamakailan.

Sa kumakalat na video online para sa unang round ng “Solo” concert ni Songbird noong Biyernes, Peb. 17, isa nga sa bagong offering ng icon ang rendition niya ng mga sikat na kanta ngayon.

Kabilang sa repertoire nito si Adie ng O/C Records na hindi maitago ang kilig, at emosyon nang kantahin ni Songbord ang “Paraluman.”

Dito, sa edad na 52-anyos, bakas na bakas pa rin ang matining na brilyo ni Songbird habang buong-pusong inaawit ang kanta ni Adie.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

https://twitter.com/Adadieee/status/1626955503141289990

Sa kaniyang Twitter, tanging “GRABEEEEEE 😭😭😭” lang ang naging reaksyon ni Adie sa rendition ni Songbird sa kaniyang kanta.

Well-lauded din ang OPM icon ng mga dumalo na maririnig ang maya’t mayang hiyawan sa wala pa rin kupas nitong mahika sa pagkanta.

Basahin: Songbird, ‘Solo’ sa apat na araw na concert sa Pebrero 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nasa mahigit 35,000 views na ang naturang video sa Twitter, sa pag-uulat.

Matapos ang debut single na “Luha,” ang kantang “Paraluman” ang naging hudyat sa lalo pang pagsikat ni Adie na mayroon nang milyun-milyong takapakinig sa ngayon.

Sa Spotify pa lang, ang “Paraluman” ay umani na ng tumataginting na mahigit 137 million streams. Bukod pa rito ang mga kantang “Mahika,” “Tahanan,” “Dungaw” at iba pa na may kaniya-kaniya ring millions of streams sa nasabing music application.

Samantala, magpapatuloy sa Peb. 24-25 ang limang araw na Valentine concert ni Songbird sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati.