"Overwhelmed" ang pakiramdam ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa patuloy na pagsuporta ng kaniyang mga tagahanga sa kaniya, lalo't ang kaniyang pagkanta ay nagsisilbing-inspirasyon sa marami at nagpabago pa raw sa buhay ng mga patuloy na nagmamahal sa kaniya.

Niretweet ni Ate Reg ang sinabi ng isang fan, na marami raw sa kanila ang nabago ang buhay dahil sa musika ng mang-aawit.

"I just wanna say that you change everyone's life. You have been our greatest armor and (an) inspiration through ups and down. Di mo kami sinusukuan…" papuri ng tagahanga ni Songbird.

Tugon naman ni Chona, "Oh my goodness. I thought I was just doing my job. But you guys inspire me to try and be better as you know my voice is not the same, but I'm working really hard to give you guys a worthy performance…" saad naman niya.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Screengrab mula sa Twitter/Regine Velasquez-Alcasid

Matatandaang matapos manganak kay Nate at dahil sa acid reflux ay nagbago na nga ang timbre ng boses ni Regine, idagdag pa na siyempre, hindi na siya bumabata.

Sa kasalukuyan ay mula Lunes hanggang Biyernes siyang napapanood sa morning talk show na "Magandang Buhay" at tuwing Linggo naman, sa musical variety show na "ASAP Natin 'To."