BATANGAS – Sugatan ang isang photographer at isang babaeng technician sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lalawigang ito noong Sabado ng umaga, Pebrero 18, ayon sa ulat, dito.

Kinilala ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang biktima na si Larry Laura, 47, biyudo, at residente ng Poblacion 4 sa Tanauan City, ayon sa impormasyong pinaplano nitong tumakbo bilang barangay chairman sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 .

Bandang alas-11:40 ng umaga ay sasakay na sana ang biktima sa kanyang motorsiklo nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ito ng ilang beses na tinamaan sa kanyang katawan. Siya ay isinugod sa ospital, habang ang pulisya ay nagsagawa ng hot pursuit at imbestigasyon upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa Lipa City, napatay si Lissa Marrie Cabanhon, 32, dalaga, technician, at residente ng Brgy. San Carlos, Lipa City Batangas ay binaril ng security guard na nagbabantay sa isang drug store sa J.P Laurel Highway, Barangay Sabang.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ang suspek na si Ernesto Precilla, 50, at residente ng Purok 5, Barangay Talisay, Lipa City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya na alas-10 ng umaga habang nasa drug store ang biktima at ang suspek ay may kinuha na mga product items at nang aalis na sana ay hinawakan siya ng suspek at sinabihang bayaran ang mga produkto.

Idinagdag sa mga ulat na naging agresibo ang biktima at tinangkang saktan ang suspek gamit ang bladed weapon (cutter) na nagtulak sa huli na barilin ang una na tinamaan sa tiyan.

Naaresto ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa Lipa Medix Medical Center.

Narekober ng mga pulis sa suspek ang service firearm na isang kalibre .38 revolver at ang bladed weapon ng biktima.