Nagbigay ng reaksiyon ang direktor ng pelikulang "Martyr or Murderer" na si Darryl Yap tungkol umano sa pinalalabas ng programang "The Chiefs" na hino-host nina Ed Lingao at Luchi Cruz-Valdes na kaya hindi siya kumasa sa isang panayam, ay dahil tumanggi o nag-decline siya sa imbitasyon.

Ibinahagi ni Yap sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 18 na nakatanggap siya ng direct message sa chat na iniimbitahan siya para sa isang TV guesting upang mapag-usapan ang MoM.

Ngunit mukhang hindi ito natuloy, batay na rin sa The Chiefs, dahil nga raw nag-decline ang direktor.

Agad naman itong ipinaliwanag ni Yap.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"I DID NOT DECLINE, I WANT A FAIR GUESTING," panimula ni Yap sa kaniyang FB post.

"Ano’ng kaCHIEFan ito The Chiefs Cignal TV Cignal Entertainment ONE News."

Direktang inaddress ni Yap ang kaniyang post sa dalawang hosts ng programa kung saan naimbitahan din at live na nakapanayam ang direktor naman ng "Ako si Ninoy" na si Atty. Vince Tañada. Aniya, mas nais daw niyang sa studio gawin ang panayam at hindi lamang sa video conference, gaya ng ipinaliwanag sa kaniya. Palagay niya raw kasi ay hindi patas ang ganoon.

"AYAW KO PO NG GANON. Kayong mga host ay nasa studio, ako via ZOOM. Papuntahin n'yo ko dyan, Wag ganito.

At ito namang direktor na inimbitahan n'yo (Atty. Vince), andaming verbal diarrhea, andaming sinabing sinabi ko raw, pinagpapapansin n'yo kasi."

"Huwag po tayong magsinungaling, I did not decline, I want a fair guesting."

"I am a supporter of a Marcos, but I am not a Marcos—"

"I will not seek Divine Justice—"

"Pumapalag ako sa abot ng aking makakaya," paliwanag pa ni Yap.

Sa isa pang Facebook post ay pabiro pang nagsagawa ng "F.L.A.M.E.S." si Yap sa kanilang tatlo nina Lingao at Cruz-Valdes.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dalawang binanggit na hosts o ang pamunuan ng The Chiefs tungkol dito.