Nilinaw ng Kapuso actress na si Bianca Umali na personal na desisyon niya ang pagpapa-convert at pag-anib sa relihiyong "Iglesia Ni Cristo" o INC, at hindi lamang dahil miyembro nito ang kaniyang boyfriend na si Kapuso actor Ruru Madrid.

Aniya sa isang panayam, naging instrumento lamang daw si Ruru upang mas makita pa niya ang malalim na dahilan kung bakit siya umanib dito.

"I don’t think I would have it fall under the category of things you do for love or these things that I do for love,” ani Bianca kay Kapuso showbiz reporter Nelson Canlas.

“I knew that God has always been in my life. He has always guided me. He has always been with me holding my hand. Hindi Niya ako pinabayaan, even though I wasn’t this close to Him, and alam kong marami rin akong pagkakamali noon sa Kaniya," giit pa ni Bianca.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“And when I discovered my faith, which is where Ruru comes in. Hindi dahil sa kaniya kaya ako nag-convert pero naging instrumento siya para maipakilala sa akin 'yung religion at maipakita sa akin 'yung daan kung saan tinawag ako para mapalapit ako sa Diyos,” paglilinaw pa niya.

Matatandaang bago matapos ang 2022 ay inamin na nina Ruru at Bianca ang tunay na estado ng kanilang relasyon.