Tuloy-tuloy pa rin ang pasabog ng hit Kapuso teleseryeng “Maria Clara at Ibarra” sa huling linggo nito, matapos nitong maglabas ng music video tampok ang awiting “Kayumanggi” ng bandang Ben&Ben.

Ang "Kayumanggi" ay mula sa Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno, na pangalawang studio album ng Ben&Ben at tungkol ito sa pagyakap sa pagkaka-kilanlan ng mga Pilipino na siyang angkop sa tema at mensahe ng serye.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa nasabing music video, makikita ang mga naging eksena ng mga karakter nila Barbie Forteza na si Klay at David Licauco bilang Fidel, na swak na swak umano sa pag-emote bilang matatapos na ng historical portal fantasy series.

Inaabangan ng “MCAI” fans kung magtatagumpay ang balak ng karakter ni Dennis Trillo na si Simoun sa balak nitong pagpapasabog sa isang piging sa San Diego sa tulong ng karakter ni Khalil Ramos na si Basilio.

Kapana-panabik din kung ano ang magiging “endgame” ng “FiLay” at kung tuluyan nga bang mababago ni Klay ang takbo ng kuwento ng obra ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Kaniya-kaniyang hula ang mga tagasubaybay sa mga susunod na tagpo kasabay ng pagbuhos ng mga mensahe ng pagpapasalamat at suporta para sa teleseryeng kanilang tinutukan. Narito ang ilan sa nakalap ng Balita:

“Ok, totoong himlay malala to. Sarap ng pkiramdam na pinanood, inaral, inintindi ko tong MCAI, bagamat isa ding FiLay shippers, lhat ng characters dito, ang gagaling!!!

Ang goosebumps lang.. Yung pnglban ng bayan non sana ganito tlga naganap. Thank you Dr Jose P Rizal at sa lahat ng bumubuo ng MCAI, salute!”

“Sa final episode, babalik si klay sa mundo nila at gigisingin siya ni Mr.Torres sa klase at mapag aalaman ni klay na panaginip lang pala ang lahat dun pa lang talaga magsisimula ang kwento, kaya mag kakaroon ng season 2 ng MCAI kaya ang title (Maria Clara at Ibarra : ang tunay na kwento)”

“The best drama series ever in Philippine television #MariaClaraAtIbarra dahil sa mcai naging Filay fan din ako and also David Licauco at the same time, sa umpisa ung genre at story ung dahilan bkit ko inaabangan ang mcai at nung naging Filay fan na ako ay mas lalo ko ng inaabangan ang mcai ”

Mapapanood ang huling linggo ng “Maria Clara at Ibarra” sa GMA Network tuwing alas-otso ng gabi.