Matapos ang limang araw na screening at paghihintay ng pageant fans, sa wakas ay ipinakilala na ang 40 phenomenal at transformational Pinay beauties na maglalaban-laban sa Miss Universe Philippines ngayong taon.

Mula sa 68 hopefuls na pinabalik sa final call back, tanging 40 lamang ang umabante para sa maging opisyal na kandidata para sa edisyong ito ng pageant.

Pasok sa banga at early favorites ang mga pageant veteran na sina Miss Grand Philippines 2021 Samantha Panlilio, Reinahispanoamericana Filipinas 2021 Emmanuelle Vera, Mutya ng Pilipinas 2019 Klyza Castro, dating Binibining Pilipinas candidate CJ Opiaza, courtside reporter na si Angelique Manto, at mga runners-up noong nakaraang taon na sina Michelle Dee at Pauline Amelinckx, na pangatlong beses na sasabak sa nasabing pageant.

Narito ang buong listahan ng official candidates para Miss Universe Philippines ngayong taon:

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pauline Amelinckx

Krishna Marie Gravidez

Jannarie Zarzoso

Joeymay-an Leo

Jan Mari Bordon

Princes Anne Marcos

Rein Hillary Carrascal

Karen Joyce Olfato

Clariele Dacanay

Breanna Marie Evans

Samantha Alexandra Panlilio

Christine Joyce Salcedo

Louise Joy Gallardo

Kimberlyn Jane Acob

Vanessa Tse Wing

Laicka Implamado

Hyra Desiree Betito

Nikki Justine Breedveld

Vanessa Matzeit

Klyza Castro

Mary Angelique Manto

Christine Juliane Opiaza

Michelle Dee

Airissh Ramos

Evangeline Fuentes

Lesly Joy Sim

Mary Eileen Gonzales

Layla Adriatico

Christiana Afia Yeaboah

Clare Inso

Emmanuelle Fabienne Camcam

Alexandra Bollier

Shayne Glenmae Maquiran

Kali Navea-Huff

Iman Franchesca Cristal

Dianne Padillo

Kimberly Escartin

Diane Mae Refugio

Chloei Darl Gabales

Avery Mariane Sucgang

Bukod sa titulong Miss Universe Philippines, dalawa pang korona ang paglalaban ng mga kandidata at bagama’t wala pang opisyal na anunsyo ang Miss Universe Philippines Organization, hula ng fans na ang mga titulong Miss Charm Philippines at Miss Supranational Philippines ang madadagdag para sa edisyong ito.

Ipapasa ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi ang kaniyang korona sa mananalo Miss Universe Philippines 2023, na siyang kakatawan sa bansa sa Miss Universe 2023 na gaganapin sa El Salvador.