CALAMBA CITY, Laguna -- Tinutukoy pa ng pulisya ang bilang ng mga nasugatan sa aksidente na kinasangkutan ng 13 iba't-ibang uri sasakyan na parang animo’y domino nang araruhin ng Transit Mixer truck ang mga papasok at nauunang sasakyan habang binabagtas ang National Highway ng Barangay Real sa lungsod na ito.

Naganap ang insidente nitong Sabado ng hapon, Pebrero 18.

Ang mga sangkot na sasakyan ay limang kotse, tatlong tricycle isang van, isang Sports Utility Vehicle, dalawang pampasaherong jeepney, at ang suspek na Mixer truck na minamaneho ni Dennis Barrientos. Arestado si Barrientos ng rumespondeng Calamba City Police.

Bandang 5 ng hapon ang hilera ng 10 sasakyan ay binabagtas sa parehong lane na nagmumula sa Barangay Turbina nang umano’y nawalan ng kontrol ang trak ng suspek at inararu ang nasabing mga sasakyan sa unahan. Habang ang tatlo pang sasakyan ay bumibiyahe sa kabilang linya ay sinasaga din ng nasabing trak.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga sasakyan ng mga biktima ay Honda car na minamaneho ni Raissa Lyn Dalisay, Mitsubishi Mirage na minamaneho ni Rodney Dalo, Honda City na minamaneho ni Jesebel Sales, Mitsubishi Montero na minamaneho ni Leoniel Apostol, Hyudai Starex na minamaneho ni Harold Joseph Senosin, Public Utility. Jeep na minamaneho ni Jenmark Cabahug, Public Utility Jeep na minamaneho ni John Cuevas, Honda tricycle na minamaneho ni Winifredo Gonzales, Yamaha tricycle na minamaneho ni Mark Allan Hernandez, Toyota Ace na minamaneho ni Jomarey Malbas, Isuzu MPV na minamaneho ni Justin Lu at Toyota Vios na minamaneho ni Ryan Neil Manimtim .

Binabaybay nina Malbas, Lu, at Manimtim sa kabilang kabilang linya nang salubungin sila at banggain ng trak ng suspek.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang mahanap ang mga pasahero ng jeep at ang mga sugatang biktima sa iba't ibang ospital habang isinusulat ang balitang ito.

Natanggap ang ulat ng Calamba City police dakong alas-9:35 ng gabi at ipinaalam ng Public Order Safety Office (POSO) Command Base na nakatalaga sa nasabing lugar.