BAGUIO CITY – Labing-dalawang bangka na pinalamutian ng kanilang mga disenyo ang lumahok sa ikalwang Fluvial Parade competition sa Burnham Lake, bahagi ng mga aktibidad ng Panagbenga Festival 2023 sa Summer Capital, Pebrero 19.

Ang 12 contestants ay may kanya-kanyang titulo na nauugnay sa disenyo ng kanilang bangka, na nasaksihan ng mga turista at residente, na namasyal nitong Linggo sa Burnham Park.

Nagsimula ang kompetisyon sa isang parada ng mga kulay na isinagawa ng Saint Louis Marching Band na nakasakay sa bangka.

Ang kasiyahan ay dinaluhan ni Mayor Benjamin Magalong, Jovi Ganongan, regional director ng Department of Tourism-Cordillera; Anthony de Leon, Panagbenga Festival executive committee at iba pang opisyal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga hurado sa competition ay sina Ferdie Balanag, Charmaine Joy de Guzman at Rhodora Ngolob, vice president for administration and academic services ng Unibersidad ng Cordilleras.

Matapos maiparada ang 12 kalahok, nanalo bilang 3rd prize ang Golden Sea Horse boat No.2, na pinamagatang Alamat ng Pinya” float na may disenyong “Ibong Adarna”, na nanalo ng P10,000 cash.

Larawan ni Rizaldy Comanda

Ikalawang puwesto ang Pontoon Boat na may pamagat na "The Pontoon Masquerade", na sumisimbolo sa masaya at makulay na pagdiriwang ng Mardi Gras. Nanalo ito ng P15,000.

Larawan ni Rizaldy Comanda

Naging kampeon ang Blue boat na may titulong "Idianale World" na sumisimbolo sa Goddess of good labor and good deeds at cash prize na P20,000.

Larawan ni Rizaldy Comanda

Ang fluvial floats parade ay naging proyekto ng Department of Tourism-Cordillera sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod at Baguio Flower Festival Foundation, Inc., na unang isinagawa noong 2022.