Hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang mga bagong miyembro ng Lakas – Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na laging ipamalas ang integridad at pananagutan sa paglilingkod sa publiko.

Ibinahagi ng bisi-presidente ang pahayag sa oath-taking ceremony ng mga bagong miyembro ng Lakas-CMD nitong Biyernes, Pebrero 17, sa Tagum City.

“Today, we are reminded of our noble duty to uphold the highest degree of integrity and accountability in all our public pursuits,” ani Duterte.

“As servant-leaders of our respective communities, we are called to steadfastly adhere to and live by the principles of Lakas-CMD that have fostered dignified and exemplary leadership from our peers in the party,” dagdag niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Pinaalala rin ni Duterte sa mga bagong miyembro na laging unahin ang kapakanan ng komunidad at bansa sa kanilang pamumuno.

“By accepting to become a member of a political party, we also accept the challenge to work in unity towards a common goal – the welfare of the people we serve.

“May the welfare of our nation remain at the forefront of our collective aspiration within the Lakas-CMD,” ani Duterte.