Aprub sa original creator ng Japanese anime hit series ang live adaptation ng GMA Network na “Voltes V: Legacy” na mapapanuod muna sa mga sinehan bago maisubaybayan sa telebisyon.
Ito ang latest update ng inaabangan ng materyal sa isang ulat sa segment na “Chika Minute” ng 24 Oras, Biyernes.
“Voltes V Legacy will be presented in full 5.1 surround sound cinematic experience,” pagbabahagi ng direktor ng programa na si Mark Reyes.
Dagdag niya, sa pamamagitan nito mas lalo aniyang maa-appreciate ng manunuod ang ipinagmamalaki nilang proyekto.
“You, GMA, is making very good [and] incredible adaptation of the Voltes V,” papuri naman ni Yasuhiko Nakajima ng Toei Company, LTD, ang orihinal na gumawa ng hit anime series.
Dagdag niya, sumasang-ayon din siya sa ilang kapwa Hapon na may positibong reaksyon sa trailer pa lang nito noong Enero.
Samantala, wala pang partikular na petsa ang network para sa pagbubukas ng Voltes V: Legacy sa mga sinehan.