"Surreal" pa rin para kay Bianca Gonzalez na sa kaniya ipinagkaloob ng ABS-CBN ang maging isa sa mga host ng inaabangan nang bagong season ng The Voice Kids Philippines.

Basahin: Bagong season ng ‘The Voice Kids,’ aarangkada na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Aarangkada na ang ikalimang season ng sikat na programa na sabay-sabay na masusubaybayan simula sa Pebrero 25 at 26, ika-9 ng gabi, at mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Still honestly incredibly surreal ❤️🥺✌🏽😭🤍Honored, happy, grateful, nervous, excited, halo halo naaa!” mababasa sa social media post ng Kapamilya host.

“Pangarap ang puhunan, boses ng bulilit ang labanan!!!! I cannot believe am typing that! 😱🥹” dagdag niya.

Sasamahan si Bianca ng isa sa mga original host ng programa na si Robi Domingo. Bagong linya ng mga coach naman na binubuo nina KZ Tandingan, Martin Nieverra, at Bamboo ang masisilayan ng manunuod.

Matatandaang ang magkapatid na Gonzaga na sina Toni, Alex ang at ang nahaharap ngayon sa kontrobersiyang si Luis Manzano ang orihinal na mga host ng talent reality show sa ABS-CBN.

Agad namang bumuhos ang pagbati para sa host.

Matapos ang magbitiw bilang host ng Pinoy Big Brother noong 2022, matatandaang si Bianca rin ang sumalo sa mga iniwang gampanin noon ni Toni.

Congrats, Bianca!