Halos 44,000 na ang mga naitalang nasawi sa Turkey at Syria nitong Biyernes, Pebrero 17 matapos yanigin ang magkapit-bahay na bansa ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Sa ulat ng Aljazeera, kinumpirma ng mga awtoridad sa Turkey na umabot na sa mahigit 38,044 indibidwal na ang nasawi sa kanilang bansa.

Nasa mahigit 5,800 naman na ang death toll na sa naitala sa Syria ng pamahalaan nito at ng United Nations (UN).

Patuloy pa rin ang operasyon ng rescuers para sa paghahanap ng servivors sa mga nasabing bansa.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nanawagan naman ang UN ng $400-milyon pondo para sa relief operations sa Syria habang $1-bilyon naman para sa relief operations sa Turkey.

“We must stand with them in their darkest hour and ensure they receive the support they need,” ani UN aid chief Martin Griffiths nitong Huwebes, Pebrero 16.

Yumanig ang nasabing magnitude 7.8 na lindol noong Pebrero 6 sa dakong 4:17 ng madaling araw malapit sa Gaziantep, Turkey.

Ito ang naitalang isa sa pinakamalakas na lindol na naranasan sa mga naturang lugar.