Inaresto ng mga miyembro ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang dalawang magkapatid na nahaharap sa kasong panggagahasa sa follow-up operation noong Biyernes, Pebrero 17.

Ayon kay Col. Froilan Uy, hepe ng pulisya ng lungsod, kinilala ang mga suspek na sina Leo,19, at alyas Ben, 17, na nakalista bilang Top 9 at Top 10 wanted person sa police gallery para sa buwan ng Pebrero.

Sinabi ni Uy na naaresto ang mga suspek dakong 12:20 sa Malibay Barangay 164, Pasay City.

Aniya, ipinag-utos ni Judge Jehan Batua-Sampao-Hassiman ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 11 ang pag-aresto sa mga suspek noong Nobyembre 23, 2022.

Eleksyon

Vendor, kakandidatong senador; nanawagan ng tulong para sa anak na may rare disease

Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na ang dalawang suspek ay nahaharap sa mga kasong sexual assault na may inirekomendang piyansa na P200,000 bawat isa.

 Jean Fernando