Patok agad sa mga masugid na takapakinig ni “Pagsamo” singer Arthur Nery ang bago niyang kantang “O Ninanais” nitong Biyernes, Peb. 17.

Ito ang unang single ng Viva Record star para sa kanilang inaabangan nang full-length album sa wakas ngayong taon.

Sa bagong kanta ni Arthur, kakaiba ang handog ng singer na maririnig na ang genre na jazz sa dati niyang R&B style bagaman may dating tunog pa rin ang istilo ng kaniyang pagkanta.

Kaniya ring sole credit ang pagsulat ng kanta na tila handog ng singer sa taong natagpuan nang tahanan at pag-ibig.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Matapos lang ang mahigit labindalawang oras, tumabo agad sa mahigit 50,000 streams ang latest single sa Spotify pa lang. Tumuntong din sa #18 trending for music ang official lyric visualizer ng kanta, sa pag-uulat.

Kaniya-kaniya namang reaksyon ang fans sa bagong musika ng Cagayan de Oro pride.

“This song describes the feeling after the walks, small talks, and chats. When you're alone again and you think to yourself - wow, i'm in love with this person,” komento ng isang fan.

“Congrats Arthur! Iba talaga yung atake ng bawat pyesa, mahusay hindi nagdamot ng damdamin bawat linya, salamat sa napaka gandang musika, ✨🙌🏼” segunda ng isa pa.

Basahin: Arthur Nery, naglabas ng pinakabagong kanta kasunod ng chart topping ‘Pagsamo’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I love how you can really feel the sincerity and genuine love through the song. Nakakakilig kahit wala akong jowa HAHAHAH congrats arturo! we love u!”

“Damang-dama ang bawat linya. Gonna tell my kids in the future that this guy made me fall in love again. Iba talaga ang isang Arthur Nery!💜

“’Pasabay sa'yong mga pangarap; hits differently when you both choose each other to be part of your own written love story.”

“You can feel the genuine love of this song hahaha. I love you, my love! Im so proud of you, I can't wait for the release of your album.💖💖

“The feels! One of the best kilig songs. This screams ANG SARAP MAGMAHAAAAL!!! Euphoria! Congrats, Arthur!”

“Inlove ka na nga talaga Arthur, from Isa Lang "ikaw ang pahinga ko mahal" to O Ninanais "sanay na sanay na sa'yo lang humihimlay" 😭SALAMAT SA MAGANDANG MUSIKA! 🫶🏻

Noong 2022, pumangatlo si Arthur bilang most streamed OPM artist sa Spotify sa pangunguna ni Zack Tabudlo at ng bandang Ben&Ben sa una at ikalawang puwesto, ayon sa pagkakasunod-sunod.