Kaswal na ibinahagi ni “Maria Clara at Ibarra” star David Licauco ang kaniyang medikal na kondisyon na potensyal na humantong sa isang operasyon kung hindi maagapan ng gamutan.

Ito ang isa sa natalakay ng aktor sa podcast ni Kapuso showbiz reporter Nelson Canlas sa kaniyang podcast kamakailan.

Panimula ni David, bagaman busy sa parehong showbiz at business career, aminado itong hindi morning person dahil sa isang kondisyon.

“May sleep apnea kasi ako. Sleep apnea is basically my breathing stops for about 24 seconds straight three times in an hour. Binabangungot ka all night eh,” paglalarawan ng aktor.

Vice Ganda sa MU presentation: 'Lasing at puyat lang ba ko o talagang panget?'

“Also, kailangan mo pang magwork-out para [maging] good mood ako pero hindi pa rin in top shape ‘yung utak ko so marami akong ginagawa for me to be in this certain zen mode,” dagdag niya.

Ayon sa medical website na Mayo Clinic, ang sleep apnea ay isang “potentially serious sleep disorder” na kadalasa’y maagang senyales ng malakas na paghilik o pagkaramdam ng pagod sa kabila ng ilang oras na tulog.

Dagdag na mga sintomas nito ang paghahabol ng hininga habang tulog, morning headache, insomnia, hindi normal na pagkaantok sa umaga, pagkamairitahin, bukod sa iba pa.

Pinatataas din ang risk ng naturang kondisyon sa isang tao kung obese ito dahilan ng marubdubin na workout routine ni David.

Sa edad na 27-anyos, ang aktor ay naggagamutan kasabay ng kaniyang healthy lifestyle. Kung hindi makukuha sa kasalukuyang treatment, maaari siyang sumailalim sa operasyon.

Samantala, aminado namang seryoso pa sa seryoso pagdating sa relasyon ang “Pambansang Ginoo.”

Basahin: ‘Maria Clara at Ibarra’ star David Licauco, pinangarap na makapag-asawa sa edad na 27 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ang pinakamahirap sa akin ‘yung heartbreak kasi meron akong sense of attachment dun sa taong nakarelasyon mo. Ako kasi ako ‘yung type na parang naggi-give up lang ako kapag sagad na sagad sagad na,” aniya.