Nagpaantig sa damdamin ng mga netizen ang Facebook post ng isang footwear store sa Pasig City makaraang ibida ang dalawang customers na persons with disabilities o PWDs na parehong "amputated" ang paa, na naghati sa kanilang mga sapatos na binili sa halagang ₱999.
Ayon sa panayam ng Balita, nagkataong ang isang customer ay kailangan ng sapatos sa kaniyang kanang paa habang ang isa naman ay sa kaniyang kaliwang paa. Kaya hindi umano sayang ang isang kapares ng sapatos dahil hati na lamang sila. Nagkataon ding magkapreho sila ng sukat ng mga paa. Para nga raw silang "soulmate."
"Dito sa NEKO FOOTWEAR sobrang sulit!"
"Sabi nga nila Sir: "OH DI BA WALANG SAYANG," saad sa Facebook post.
"Buti magkasize sila," tanong ng isang netizen.
"Opo magkasize sila," sagot naman ng shoe shop.
Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 12k reactions at 2.2k shares ang naturang FB post.