Idineklarang "fit for duty" si US President Joe Biden nitong Biyernes, matapos ang kaniyang annual medical check-up bago ang di umano'y deklarasyon ng muli niyang pagtakbo sa 2024 campaign.

"President Biden remains a healthy, vigorous, 80-year-old male, who is fit to successfully execute the duties of the Presidency, to include those of as Chief Executive, Head of State and Commander in Chief," ayon kay Kelvin O'Connor, doktor ng Pangulo, sa isang liham na inilabas ng White House. 

"The President remains fit for duty, and fully executes all of his responsibilities without any exemptions or accommodations."

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, hindi pa nagdedeklara ang 80-anyos na pangulo kung tatakbo ito sa darating na halalan ngunit inaasahan ito sa lalong madaling panahon dahil nagsisimula nang uminit ang usapin hinggil sa kampanya. 

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa Republican side, sa ngayon ay nangunguna si dating Pangulong Donald Trump, na tinalo ni Biden sa halalan noong 2020.