Dalawang high-value na indibidwal ang inaresto ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa isinagawang buy-bust operation noong Biyernes, Peb. 17.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Edgardo de Vera alyas Remy, 51, at Estilito Castro alyas Estoy, 30, kapwa residente ng Caloocan City.

Arestado ang mga suspek sa isang entrapment operation sa Manggahan Bagumbong Dulo, Barangay 171, Caloocan City dakong alas-11:55 ng gabi noong Pebrero 17.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang “shabu” na tinatayang nagkakahalaga ng P850,000, isang 12-gauge shotgun na may tatlong piraso ng live ammunition, isang sling bag, at ang buy-bust money.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Jaleen Ramos