Isinapubliko na ng Philippine National Police (PNP) ang poster ng anim na wanted sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena sa Sta. Ana, Maynila noong 2022.

Sa Facebook post ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Biyernes, pinaimprenta nila ang poster ng mga wanted na sinaJulie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto G. Matillano, Jr. batay na rin sa pakikipagpulong ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa CIDG at sa mga pamillya ng anim na biktima kamakailan.

Sa nasabing pulong, nag-alok si Remulla ng₱6 milyong pabuya para sa ikaaaresto ng anim na akusado kasunod na rin ng inilabas na warrant of arrest sa kasong kidnapping ang serious illegal detention.

“Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng mga posters na ito at sa impormasyon na magmumula sa ating mga kababayan ay mapapabilis natin na matutunton ang kanilang pinagtataguan at agarang pagkahuli ng mga akusado,” pahayag ni CIDG director Brig. Gen. Romeo Caramat, Jr..

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kabilang sa anim na sabungero sina John Claud Inonog, Marlon Baccay at kapatid na si James, Mark Joseph Velasco, Rondel Cristorum at Rowel Gomez, pawang taga-Sampaloc, Tanay, Rizal.

Nawawala pa rin ang anim na biktima mula nang magtungo sila sa cockfighting tournament sa Manila Arena noong Enero 13, 2022.