Sa ikatlong pagkakataon, target muli ng Boholana-Belgian beauty queen na si Pauline Amelinckx ang masungkit ang Miss Universe Philippines 2023 title.
Ito’y matapos maghain ng kaniyang aplikasyon ang kandidata nitong Biyernes, Peb. 17.
Sa isang panayam, ipinaliwanag naman ng pageant veteran ang anging dahilan ng kaniyang isa pang pagsabak.
“When they’re looking for a transformational leader, at some point it made sense for me to also join here again because the last few months have really been transformational for me too. I felt like perhaps, this is the avenue with the recent changes where I can excel and grow the most,” ani Pauline.
Dagdag niya, hindi rin aniya mas madali ang laban sa ikatlong pagkakataon habang binabanggit ang ilang dahilan.
“It never gets easier because there will always be changes, there will always be new people in the organization that you need to get to know to, that you need to work with. There will always be something different. But that means that you’re also continuously forced to step out of your comfort zone and grow,” dagdag ng Boholana beauty.
Pag-amin naman ni Pauline, naisip niyang ikonsidera ang ibang pageant maliban sa MUP habang nagpapasya pa noong 2022.
Dahil naman sa pagbabago ng adbokasiya ng Miss Universe dala ng bagong pamunuan nito, sa suporta ng kaniyang pamilya at ng kaniyang training camp na Aces & Queens, naging desidido kalaunan si Pauline na manatiling loyal sa MUP brand.
Matatandaang unang nagpamalas ang Boholona beauty ng kaniyang ganda at talino sa Miss Universe 2020 pageant kung saan siya ang itinanghal na third runner-up.
Noong 2022 lang, pumangatlo si Pauline nang tanghaling Miss Universe Philippines Charity 2022 kung saan si Celeste Cortesi ang itinanghal na titleholder.
Ngayon, excited na agad ang maraming pageant fans para sa comeback ng Pinay sa patok na pageantry.