BAGUIO CITY – Tiniyak ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang suporta ng kapulisan sa Department of Public Works and Highway (DPWH), lalong-lalo na sa mga contractors nito para sa kanilang seguridad sa pagsusulong ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKaS) convergence program ng DPWH at PNP sa bansa.

Ipinahayag ni Azurin ang kaniyang suporta nang maging guest of honor at speaker sa inagurasyon ng bagong forensic building sa La Trinidad, Benguet noong Pebrero 16.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/16/gen-azurin-pinasinayaan-ang-bagong-forensic-building-sa-benguet/

“We are offering the services of the police para sa seguridad ng mga contractor at workers ng DPWH, upang matiyak na ang mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan ay hindi maaantala. Alam naman natin may mga lugar na may nanggugulo sa mga proyekto, partikular na sa mga road projects, kaya nararapat lamang protektahan natin ito para sa development ng ating bansa,” pahayag ni Azurin.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hinalimbawa ni Azurin ang sitwasyon sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM), na may mga nakabinbin na infrastructure projects ang DPWH dahil sa panggugulo at pananakot sa mga workers.

“Isa ito sa mga concern natin sa BARMM, kaya sinabi ko sa DPWH doon na lalo na sa mga critical areas na ipaalam agad sa amin para mabantayan ng ating kapulisan para inch-by-inch ay magawa ang proyekto na hindi maa-harass ang mga manggagawa," aniya.

Binigyang-diin niya na napakahalaga ng mga farm-to-market road projects na isinusulong ni Pangulong Bongbong Marcos upang mapayapang makapagnegosyo ang mga investor na lilikha ng mga trabaho, oportunidad, at turismo.

Idinagdag pa ni Azurin, P100 milyon na pondo na inilalaan bawat taon sa pagpapatayo ng mga modernong police stations sa bansa at ang programang TIKaS convergence ay malaking tulong sa mga programang isinusulong ng pulisya para makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa mga mamamayan.