Isang Amerikano ang nasakote ng Bureau of Immigration (BI) sa Maynila kaugnay sa kinakaharap na kasong child sexual abuse sa Wisconsin sa United States noong 2003.
Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang akusado na si Francisco Gomez, 62, na inaresto ng fugitive search unit (FSU) ng ahensya sa Ermita nitong Pebrero 9.
Nauna nang naglabas ng mission order ang BI sa ikaaaresto ni Gomez matapos maglabas ng warrant of arrest ang Milwaukee, Wisconsin noong Pebrero 26, 2003 sa kasong child sexual abuse.
“We will deport him as soon the BI board of commissioners issues the order for his summary deportation after which he will be blacklisted and banned from re-entering the country,” ayon kay Tansingco.
Sa rekord ng kaso, tumakas si Gomez at nagtungo sa Pilipinas noong Oktubre 6, 2006 upang magtago.
Philippine News Agency