Maraming netizens ang naantig nang makita ang isang Facebook post ng isang abogado mula sa Cebu na si Atty. Isha Berezo Corbeta matapos makatanggap ng buhay na manok mula sa Tribong Manobo bilang bayad sa kaniyang serbisyong legal consultation.
Makikita sa video na binuksan ng abogado isang orange na bag, at nagulat siya nang makita ang isang manok sa loob. Nagpahayag ng pasasalamat ang abogado at natuwa pagkatapos niyang makita ito.
"Naaksidente sa motor ang apo ng kliyente ko (nanay) at may hindi sinasadyang nabiktima rito. Ang magkabilang panig ay walang naganap na sapilitan, sila ay boluntaryong nagkaroon ng isang kasunduan sa harap ng aking opisina, kung saan, ang pamilya ng biktima ay hindi magsasampa ng kaso laban sa apo ni nanay at bilang kondisyon nito, si nanay ang sasagot sa lahat ng gastusin sa ospital ng biktima," kuwento niya sa Balita.
"Gayunpaman, ilang araw pagkatapos nilang selyuhan ang kasunduan, bumalik si nanay sa aking opisina at ayon sa kaniya, ang pamilya ng biktima ay mahigpit na tumanggi na tanggapin ang kanilang tulong pinansyal. Sa takot sa posibleng legal na kahihinatnan, humingi siya ng legal na payo sa akin."
Aniya, nagulat siya ng dahil sa kaniyang pagkakatanda, noong unang konsultasyon ay humingi pa umano ito ng discount na agad naman niyang sinang-ayunan.
Sa kaniyang ikalawang pagbisita, hindi rin umano niya siningil ng anuman ang nanay ngunit pinilit nitong ilagay sa bulsa ng abogado ang ₱100 na nagsasabing, “dawata ni attorney kay kinasingkasing ni” o sa Filipino, “tanggapin mo na ito attorney, ito ay galing sa aking puso.”
Sa pinakahuling pagbisita naman, dito na umano nagdala ng isang orange na eco-bag na naglalaman ng isang buhay na manok at nag-abot ng ₱201.
Anito, na-touch siya ngunit nagdadalawang isip na tanggapin ito, dito na sinabi ng nanay sa abogado na wala siyang dapat ipag-alala dahil nagtulong-tulong ang kaniyang ka-tribo para lang may maibayad sa kaniya.
Ayon sa nanay, batay sa mga kaugalian ng kanilang tribo, kailangan magbayad (gaano man kaliit) ay dapat ibigay sa taong dapat bayaran. Kung kaya't tinanggap na lamang niya ito at nagpasalamat ng husto.
Narito naman ang kaniyang mensahe sa lahat ng makakabasa, "I don’t want to sound so idealistic but this goes to all the readers, regardless of profession, age, status, and creed—you definitely matter because you have a role to play.
"I believe that each one of us is a gift (of God) for everyone, especially to those who needs our help—the poor, underprivileged, marginalized, weak, abused, and those who choose to fight their battles silently despite the uncertainty of winning. I hope that if you’ll meet these people, help them with all your heart, help them unconditionally and never limit your services base on their capacity to pay. Just help. And by doing what is good and what is necessary based on humane perspective, blessings will flow abundantly in your favor."
--
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!