CAMP DANGWA, Benguet -- Tumanggap ng parangal mula kay Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pitong pulis sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, Huwebes, Pebrero 16.

Ipinagmamalaki ng pitong pulis na tumanggap ng kanilang mga parangal mula sa Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, Gen. Rodolfo Azurin, Jr., sa kanyang command visit sa 'Home of the Most Disciplined Cops', Police Regional Office Cordillera sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Pebrero 16.

Sa kaniyang command visit sa "Home of the Most Disciplined Cops" Police Regional Office Cordillera,pinangunahan ni Azurin ang awarding ceremony at tinulungan siya ni Brig. Gen. Mafelino Bazar, regional director, at iba pang senior officers mula sa PNP National Headquarters.

Sina Capt. George Juliano at Cpl. Jessie Boy Pasion ng Baguio City Police Office, ay ginawaran ng Medalya ng Kagalingan (Medal of Merit) para sa matagumpay na pag-aresto sa isang indibidwal na nakalista bilang No. 5 Most Wanted Person sa Regional Level para sa krimen ng statutory rape sa Tuba, Benguet.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang parehong parangal ay natanggap ni Kapitan Angeline Hombrebueno at Cpl. Blanco Agagon, Jr., ng Benguet Police Provincial Office para sa matagumpay na pag-aresto sa isang indibidwal na nakalista bilang No. 4 Most Wanted Person sa Regional Level dahil sa krimen ng panggagahasa sa La Trinidad, Benguet.

Samantala, iginawad ang Medalya ng Ugnayang Pampulisya (PNP Relations Medal) kina Lt.Col Dino Cogasi at MSg Lourdan Alindan, ng Benguet PPO para sa matagumpay na paglalagay ng limang solar streetlights sa pamamagitan ng “Project Pailaw 2022” bilang bahagi ng mga Plano at Programa ng PROCOR. under Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran in Mankayan, Benguet.

Dagdag pa, ang parehong medalya ay ibinigay kina Maj.Peter Camsol at MSg Sharon Binay-an, ng Benguet PPO para sa kanilang aktibong pakikilahok sa dalawang araw na Medical and Dental Mission & KASIMBAYANAN Outreach Program na tinawag na "Malasakit sa Kapwa" na isinagawa sa La Trinidad, Benguet.

Binati ni Azurin ang mga awardees habang hinihikayat ang iba pang pulis na sundan ang yapak ng mga awardees.