May buwelta ang social media personality na si Toni Fowler sa bashers ng kaniyang music video na “MPL” kasama si Freshbreed na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.

Marami kasi ang mga nagsasabing masyado raw malaswa ang mga eksenang mapapanood dito at hindi akma sa mga batang makakapanood, lalo't may anak pa naman siyang babae na si Tyronia.

Sey naman ng iba, nagtataka raw sila kung bakit napayagan sa YT ang content nito; akala nga raw nila, porn video ang kanilang pinanonood.

Agad namang pumalag si Toni sa mga komento ng netizens.

Netizens, binatikos ang bagong music video ni Toni Fowler

"PAG AYAAAAAW NYO WAG NYO PANOORIN PAKASIMPLE," aniya.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Toni na may age restriction ang puwedeng manood nito, at hindi na niya kasalanan kung mapanood ito ng mga batang hindi napatnubayan ng magulang o guardian.

"May age restriction kasi hindi para sa mga bata kaya pls stop telling me pano pag napanood to ng mga kabataan. Kasalanan ko pa ba yon?" aniya.