Kasama ang mga pagkaing Pinoy na turon at maruya sa listahan ng 50 best rated deep-fried desserts sa buong mundo, ayon sa Taste Atlas, isang kilalang online food guide.

Sa Facebook post at website article ng Taste Atlas, nasa 21st spot ang turon matapos umano itong makakuha ng score na 4.10.

“Falling in the group of popular lumpia snacks, turon is the famous Filipino treat made with saba plantains and jackfruit. The fruit is sliced lengthwise, dusted in brown sugar, enclosed in thin wheat wrappers, then fried until golden and crispy,” anito.

Katulad daw ng lumpia, na-develop ang turon mula sa Chinese spring rolls. Kinakatawan din daw nito ang isa sa mga pinakakaraniwang sweet versions ng isang pagkain, dahil bago ito ihain, madalas muna itong binubudburan ng caramel o roasted sesame seeds.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It is usually sold by Filipino street vendors and enjoyed as a sweet snack or a satisfying dessert,” anang Taste Atlas.

Samantala, pang-36th naman sa nasabing listahan ng 50 best deep-fried desserts ang maruya na may rating daw na 3.90.

“Maruya are the famous Filipino banana fritters which consist of sliced or mashed bananas that are dusted with flour, battered, then fried until crispy. The fritters are usually made with Filipino saba bananas and can come in various forms which are often served lightly dusted with sugar,” saad ng Taste Atlas.

Karaniwang kinakain daw ang maruya bilang “light snack”, “sweet breakfast”, o “afternoon dessert”.

“These fritters are a favorite among children and can often be found at street stalls throughout the country,” sabi pa ng nasabing online food guide.

Hindi ito ang unang beses na nakasama ang pagkaing Pinoy sa listahan ng Taste Atlas. Kamakailan lamang ay nakasama naman ang ‘bibingka’ bilang isa sa 100 best cakes sa buong mundo.

Basahin: Bibingka, kasama sa ‘100 best cakes in the world’

Samantala, inilabas din ng Taste Atlas na apat sa mga pagkaing Pinoy ang kasama naman sa 100 pagkain na hindi masarap sa buong mundo.

Basahin: Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa ‘100 worst dishes in the world’